The unfiltered life. :))

May tao ba na…

…every Valentine’s Day na lang, nakikita mo?

I mean, ever since nagkakilala kayo?

Di mo naman siya kamag-anak.

O super close friend.

O long-time boyfriend/girlfriend. O karelasyon. In fact, wala ka ngang karelasyon. Romantically.

Kaklase mo lang siya. Pero every V-Day na lang talaga, nakikita mo.

Di naman sa gusto mong bigyan ng kahulugan yung pangyayaring yon, pero, napansin mo lang talaga e.

First year, ka-partner mo siya sa return demo.

Second year, nag-attend ka ng debut ng kaklase niyong dalawa, nandun siya. Feb 13 yun e. E inabot ng madaling araw yung party. E di Feb 14 na. Ayun, syempre, nandun pa din siya.

Third year, magka-group kayo sa clinicals, nakasama mo rin siya.

Fourth year, eto. Sure ka na talaga na di mo siya makikita. Kasi, wala kayong pasok e.

Pero lumabas ka, pumunta ng mall, tapos bigla, O?!

ANDUN DIN SIYA?

Ano bang meron?

Ang galing.

Kung crush mo lang siya, inisip mo na siguro na destined kayo.

Kaso, di mo naman siya crush.

Ang crush mo, yung kaibigan niya.

Sayang.

Sana, siya na lang yung kaibigan niya.